• Document: TITLE: I Love You, ARA cjf LANGUAGE: Filipino AUTHOR: JamilleFumah
  • Size: 888.67 KB
  • Uploaded: 2019-06-13 01:11:38
  • Status: Successfully converted


Some snippets from your converted document:

------------------------------ TITLE: I Love You, ARA ⓒJF LANGUAGE: Filipino AUTHOR: JamilleFumah ------------------------------ #################################### ✞ DOCUMENTARY ✞ #################################### AUGUST 28, 2014-OCTOBER 21, 2014 ⓒJamilleFumah xxI Love You, Araxx Ikaw. Oo ikaw. Nagbabasa ka ba nito? Kung ganun BAGALAN mo. Marahan mong basahin ito. Dahan-dahan lang. Pagkapatapos - Habang nagbabasa ka. Pakiramdaman mo ang iyong PAA. Wag kang yuyuko! Wag kang sisilip. Pakiramdaman mo lang. Malamig ba? Kapag hindi pa, hintayin mo lang. Wag ka lang yuyuko, para tingnan. Lumalamig na ba? Pakiramdam mo ba, may nakahawak na? Wag mong titingnan. Baka di mo magustuhan. Magbasa ka lang. At wag mong balingan. Kung binabasa mo ito, Andun SYA. Nandun sa - Ilalim mo! Kaya wag kang yuyuko! Wag mo SYANG titingnan. Hawak nya ang - Mga PAA mo... Wag kang kabahan. Wag kang KATAKUTAN. Ihahanda kita... Sa pwede mong MASILAYAN. Sasabihin ko sa'yo Kung anong hitsura NYA. Ikukwento KO sa'yo Kung sino si - ARA... I LOVE YOU ARA Ang 'I LOVE YOU ARA' ay nilikha tatlong taon na ang nakakaraan. Ito ay nagmula sa isang naburang blog at ngayon ay aking isina-libro upang ibahagi sa inyo. Marami kayong mababasang 'hindi niyo nanaising paniwalaan'. May mga mababasa rin kayong magpapagulo ng inyong mga isipan. Higit pa roon ay may ilang pangyayari sa kwento na maaaring 'hindi, pwede at oo' na makakapagpabago ng inyong mga pinapaniwalaan. IKAW. Bago mo simulan ang pagbabasa ng kwentong ito... uunahan na kita. HINDI ito ang uri ng katatakutan na iyong inaasahan. Kung desidido kang ipagpatuloy hanggang sa mga susunod na pahina... malalaman mo na kung gaano ka kamanhid... o gaano ka kadaling KILABUTAN. [ The edited version of ILY ARA. Ang iba ay produkto na lamang ng malawak na kaisipan ng may akda... at ang iba... maniniwala ka ba kung sasabihin kong TOTOONG mga kaganapan? ] Copyright © JAMILLEFUMAH ALL RIGHTS RESERVED 2014 No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. WARNING: This book contains violence and mature contents. Readers discretion is advised. Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF [ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ] #################################### PROLOGUE #################################### xxILY,ARAxx OUT-CALL: "H-Hello... ikaw ba 'yan, Ka Pineng?" IN-CALL: "Oo ako nga. Ikaw ba ito, Madge?" OUT-CALL: "O-Oo..." IN-CALL: "Bakit ka napatawag? Nangangatog ka ah... may problema ba?" OUT-CALL: "L-Listen... wala na akong time para magpaliwanag..." IN-CALL: "Okay..." OUT-CALL: "You're still in a paranormal job, right?" IN-CALL: "Yup. Bakit?" OUT-CALL: "T-Tulungan mo ako... tulungan mo kami..." IN-CALL: "All right. But first, you have to tell. Bakit ka nanginginig? Anong problema? Nasaan ka?" OUT-CALL: "Wala na tayong oras! Puntahan mo ako ngayon dito?" IN-CALL: "Okay fine! Sige. Anong address yan?" OUT-CALL: "D-Dito sa..." IN-CALL: "Oh wait! Kukuha lang ako ng pen and paper okay? Wag mo ibababa." OUT-CALL: "Ha? Sandali -" (AFTER A COUPLE OF SECONDS) IN-CALL: "Hello? Madge? Andyan ka pa ba?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello Madge? Are you still there? Hello?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello Madge!" OUT-CALL: "Hello..." (VOICE OF A YOUNG GIRL) IN-CALL: "Hello! Sino 'to?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello! Pwede kay Madge?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Bata! Pakibigay kay Madge yung phone please!" OUT-CALL: "Wala na sya..." IN-CALL: "Ha? Nasaan na sya?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello Bata? Nasaan na si Madge?" OUT-CALL: "Patay na sya..." IN-CALL: "Ano?! Lintik kang bata ka ah! Wag mo akong pinagti-tripan ah. Ibigay mo kay Madge ang phone!" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello!" OUT-CALL: "Patay na sya..." IN-CALL: "Bwiset! Sino ba 'to? Ha?!" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello?!" OUT-CALL: "Hello..." IN-CALL: "Sino ka ba ha?! Sino ba 'to!?" OUT-CALL: "ARA..." IN-CALL: "Ara? Sinong Ara?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello Ara? Nasaan ba si Madge? Nasaan ba kayo?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello Ara?" OUT-CALL: "Hello..." IN-CALL: "Ara saan 'yang lugar nyo? Nasaan ka?" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello Ara!?" OUT-CALL: "Hello..." IN-CALL: "Ara! Nasaan ka?" OUT-CALL: "Nandito..." IN-CALL: "Saan!? Anong lugar yan?!" OUT-CALL: (NO ANSWER) IN-CALL: "Hello Ara?" OUT-CALL: "Nandito..." IN-CALL: "Saan ngang lugar? Nasaan ka Ara?" OUT-CALL: "Nandito..." IN-CALL: "Saan?!" OUT-CALL: "Sa LIKOD mo..." IN-CALL: "Shit! ------------ " TBC JAMILLEFUMAH Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF [ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ] ###############################

Recently converted files (publicly available):